Wednesday, April 30 2025

Header Ads

Breaking News
recent

Dumami ang nagpa-enroll sa Alma mater ni Duterte |

Tumaas umano ang bilang ng mga estudyante na nagpa-enroll ngayong taon sa isang unibersidad na Digos City kung saan nag-aral noon si incoming President Rodrigo Duterte.

VIDEO OF THE SCHOOL & ENROLLEES!



Ayon sa school administrator ng Cur Jesu College o mas nakilala noon na Holy Cross of Digos Academy, proud ang mga estudyante ng nasabing unibersidad dahil alma mater ito ng susunod na pangulo. Napag-alaman din na hanggang ngayon ay sa naturang paaralan pa rin ang orihinal na transcript of records ni Digong.
Sinasabing nag-aaral sa nasabing kolehiyo ang alkalde noong taong 1963 kung saan doormate pa nito si incoming peace adviser Jesus Dureza. Plano ng pamunuan ng kolehiyo na gawing museum ang multi-purpose building na ginawang dormitoryo noon ni Duterte nang nag-aral pa ito taong 1961 hanggang 1963. Napag-alaman na nag-donate noong 2006 ng P100,000 ang alkalde para mapaayos ang ilang mga silid aralan.


Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.